Nakiisa ang Quezon City Government at daan-daang QCitizens sa naganap na kick-off rally ng “Bagong Pilipinas” campaign na pinangunahan ni President Ferdinand Bongbong Marcos sa Quirino Grandstand ngayong araw.
Personal din itong pinuntahan ni Mayor Joy Belmonte kasama sina Rep. Marivic Co-Pilar, Rep. PM Vargas, Rep. Ralph Tulfo, Movie and Television Review and Classification Board chairman Lala Sotto-Antonio, Metropolitan Manila Development Authority chairman Romando S. Artes, at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.
Present din sa event ang mga empleyado at opisyal ng mga national government agencies and departments, mga kinatawan ng lokal na pamahalaan at mga barangay mula sa Metro Manila at karatig na probinsya.
Tinangkilik din ng mga dumalo ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na layong mailapit ang mga serbisyo at programa ng pamahalaan sa mga Pilipino.
Bukod sa abot-kamay na serbisyo para sa bayan, nagbigay saya rin ang mga nagtanghal na local celebrities at artists para sa mga dumalo.




