Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte at ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ang pagdalaw ng imahen ng Our Lady of Lourdes sa Quezon City Hall kaninang tanghali.
Nasundan ito ng banal na misa na pinangunahan ni National Shrine of Our Lady of Lourdes Rector, Very Rev. Fr. Jefferson Agustin.
Ang pagdalaw na ito ay bahagi ng paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng Mahal na Birheng Maria sa February 11, 2024.
Kilala ang Our Lady of Lourdes bilang patrona ng mga may sakit. Ang kapistahan nito ay kasabay din sa paggunita ng World Day of the Sick.




