Nakiisa ang pamahalaang lungsod sa culminating activity ng Department of Health (DOH) at United States Agency for International Development (USAID) na pinamagatang “Padayon: The DOH-USAID Shared Journey Towards a Healthy Pilipinas”.
Pinasalamatan ng DOH ang kanilang mga naging katuwang mula sa pribadong sektor sa iba-ibang programa ng ahensya. Layon ng programa na paigtingin pa ang pagbibigay ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.
Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si DOH Sec. Ted Herbosa at mga kinatawan ng USAID sa pangunguna ni Asst. Administrator for Global Health Dr. Atul Gawandee kasama sina Deputy Asst. Administrator Dr. Bama Athreya at Deputy Mission Director Ms. Rebekah Eubanks.
Dumalo rin sina Palo City Mayor Remedios Petilla, Tanauan City Mayor Ma. Gina Merilo, Department of Education Asec. Dexter Galban, Department of the Interior and Local Government Asec. Lilian de Leon, at Dangerous Drugs Board Asec. Maria Belen Angelita Matibag.




