Bilang paghahanda sa nalalapit na selebrasyon ng Chinese New Year sa Lungsod Quezon, personal na binisita ni Mayor Joy Belmonte ang kahabaan ng Banawe Chinatown ngayong araw.
Lubos ang paghahanda ng lokal na pamahalaan para sa tatlong araw na selebrasyon ng Year of the Wood Dragon. Mag-uumpisa ang selebrasyon sa darating na Biyernes, Pebrero 9 hanggang 11, 2024.
Kasama rin ng alkalde sa pag-inspeksyon ng lugar sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at City Engineer Atty. Dale Perral.
Ilan sa mga aktibidad na dapat abangan ay ang QC Chinatown Heritage Tour, ang food, arts and craft fair, float parade, at iba-ibang performances mula sa local groups and celebrities.




