QCITIZENS, TARA NA SA BANAWE!
Patuloy ang pagdating ng mga bisita sa kahabaan ng Banawe Chinatown upang tangkilikin ang iba-ibang produkto at pagkain dito sa Quezon City Chinatown Food, Arts and Crafts Fair.
Bahagi ito ng 3-day celebration ng Lungsod Quezon para salubungin ang Year of the Wood Dragon.
Tara na QCitizens, isama ang inyong pamilya, kaibigan, o mga jowa at tikman ang mga authentic chinese delicacies and products dito sa Banawe.
Mag-uumpisa ang programa mamayang 4:00 PM kung saan magtatanghal ang mga local artist at celebrity.




