Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Quezon City Hall kahapon.
Una nang ipinasa ng city council sa pangunguna nina Vice Mayor Gian Sotto at Majority Leader Doray Delarmente ang resolusyon nina Coun. Aiko Melendez at Coun. Alfred Vargas, na kumikilala sa tagumpay ng ‘Rewind’ na kinunan sa lungsod.
Tinanghal na highest grossing Filipino film of all time ang Rewind na kumita ng P900 million sa takilya.




