SA QC, TUNAY NA MAY FOREVER!
Hindi mapapantayan ang tunay na pagmamahalang ipinamalas ng 195 couples mula sa Distrito 2, sa idinaos na Kasalang Bayan 2024 na handog ni Mayor Joy Belmonte.
Bilang solemnizing officer, lalo pang pinagtibay ni Mayor Joy ang pag-iibigan ng mga couples sa garden wedding na idinaos sa Quezon City Experience (QCX) Museum.
Dumalo bilang mga ninang at ninong ng mga ikinasal sina Vice Mayor Gian Sotto, Coun. Aly Medalla, Coun. Dave Valmocina, Coun. Godie Liban, Coun. Candy Medina, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, City Civil Registry Department head Jun Cariño, at Atty. Joren Tan bilang kinatawan ni District 2 Rep. Ralph Tulfo.
Hangad ng lokal na pamahalaan ang inyong matibay at walang wakas na pagmamahalan!




