Nasa 26 indigent na persons with hearing impairment ang nabigyan ng libreng hearing aid mula sa Quezon City Government.
Bahagi ito ng mga programa ng lungsod na layong masuportahan ang mga persons with disability at matulungan sila sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Ang pamamahagi ng hearing aid ay alinsunod sa City Ordinance 3164-2022. Bago mabigyan ng assistive device, sumailalim muna ang mga benepisyaryo sa assessment ng ACCESS hearing aids.




