Maraming salamat sa Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, Mr. Virgilio Almario at sa pamunuan ng San Anselmo Press at LIRA Books dahil sa kanilang donasyon na mga aklat para sa Quezon City Public Library (QCPL).
Personal na tinanggap ni QCPL Officer-in-Charge Ms. Mariza Chico ang mga donasyon mula kay San Anselmo Press Executive Publisher Mr. Marvin Aceron. Mabibigyan din ng isang set ng mga aklat ang 28 branches ng QCPL.
Lubos naman na ikinagalak ni Mayor Joy Belmonte ang mga donasyon.
Suportado ng pamahalaang lungsod na mapalawig ang mga libro sa mga silid-aklatan. Makatutulong din ang mga ito sa pagpapanumbalik ng sining sa pagtula lalo na sa mga kabataan.
Binigyang-diin naman ni Almario ang kahalagahan ng pagbabasa at sining ng pagtula upang maipagpatuloy ang pagsasagawa nito sa mga paaralan. Nais din niyang makilala ang QC bilang Poetry Capital of the Philippines.




