Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte at ni Mr. Ray Alimurung ng Kaya Founders ang kanilang kwento sa ginanap na forum na pinamagatang ‘Leading Women Series: The Partners Playbook’.
Tinalakay ng mag-asawa kung paano nila sinusuportahan ang isa’t-isa kaya naging matagumpay sa larangan ng pulitika at negosyo.
Hangad ng dalawa na maging inspirasyon at kapulutan ng aral ang kanilang kwento para sa mga leader at nais maglingkod sa taumbayan.
Ang forum ay pinangunahan ng Makati Business Club na binubuo ng mga business leaders sa bansa.




