Congratulations, Mayor Joy Belmonte!
Binigyan ng parangal bilang ‘Newsmaker of the Year’ si Mayor Joy mula sa Manila Bulletin para sa taong 2024.
Ito ay pagkilala na iginagawad sa 10 personalidad o organisasyon na nakapagbigay ng inspirasyon sa bansa dahil sa kanilang matagumpay na kwento, inisyatibo, at proyekto.
Tinukoy sa parangal ang mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng Quezon City para sagipin ang kalikasan, na nagbunga ng pagkamit ni Mayor Joy ng pinakamataas na environmental honor mula sa United Nations, ang ‘Champion of the Earth’ award.
Hinikayat ni Mayor Joy na makiisa ang lahat sa adbokasiya na protektahan ang kapaligiran at ingatan ang kalikasan.
Kabilang din sa mga personalidad at organisasyon na nabigyan ng parangal sina Kathryn Bernardo, GAMABA awardee Magdalena Gamayo, Jeremy de Leon, Sarisuki, Expedock, Kindred, Tagbilaran City, Gilas Pilipinas, at Aboitiz Equity Ventures.




