Nagbigay ng paunang tulong pinansyal na P4,000 ang lokal na pamahalaan sa 97 palero ng Brgy. Payatas, Quezon City.
Ito ay sa ilalim ng Alagang QC Program ng Public Employment Service Office, kung saan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho ay makakatanggap ng financial aid na makakatulong sa pag-aayos ng kanilang requirements at mga pangangailangan sa paghahanap ng trabaho.
Kasama ng alkalde sina Brgy. Payatas Kapitan Ras Doctor, Kagawad Boots Dela Cruz, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, PESO head Rogelio Reyes, at. SSDD Welfare and Relief Division head Carol Patalinhog.
Tiniyak ni Mayor Joy na mananagot ang mga kumpanya at mga negosyante sa lungsod na hindi sumusunod sa mga polisiya para sa mga manggagawa at hindi makatarungan ang pagtrato sa kanila.




