Sa QC, totoong love wins!
Nangako ng panghabang buhay na pagmamahalan ang 210 LGBTQIA+ couples sa ginanap na commitment ceremony kahapon.
Kasabay nito, ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte ang kanyang patuloy na suporta at pakikipaglaban sa karapatan ng rainbow community.
Sa unang pagkakataon, naipamahagi na rin ang Right to Care card sa unang batch ng 15 LGBTQIA+ couples, na nagbibigay sa kanila ng karapatan na magdesisyon sa usapin ng kalusugan.
Ang alkalde ang nagsilbing main sponsor ng commitment ceremony kasama sina Coun. Wency Lagumbay, Coun. Nanette Daza, Coun. Alfred Vargas, Coun. Sami Neri, Outright Action International and Anti-Discrimination Rights Champion Ging Cristobal, LGBTQIA+ couple na sina Cayser Estrada at Michael Enriquez.




