THERE’S SOMEONE FOR EVERYONE IN QC!
Damang-dama ang tamis ng pag-iibigang ipinamalas ng 196 couples mula Distrito 5 sa huling araw ng Kasalang Bayan 2024 na handog ni Mayor Joy Belmonte.
Sa nagdaang linggo, umabot sa 1,036 couples ang ikinasal ni Mayor Joy bilang marriage officiant sa garden wedding na idinaos sa QCX Museum.
Bukod pa ito sa Commitment Ceremony para sa 210 LGBTQIA+ couples sa lungsod.
Dumalo sa kasalan ang kanilang mga ninong at ninang na sina District 5 Action Officer William Bawag, Coun. Alfred Vargas, Coun. Shay Liban, Coun. Joseph Visaya, at Atty. Butoy Lofranco ng City Civil Registry Department.




