Agad na rumesponde ang Quezon City Health Department (QCHD) para bigyan ng tulong medikal ang mga residenteng apektado ng sunog sa Brgy. Culiat kahapon, February 27.
Nabigyan ng agarang lunas, medical assistance, mental at psychosocial support ang mga biktima ng pinsala habang binigyang pansin naman ang nutritional status ng mga bata at buntis na apektado ng sunog. Nakipag-ugnayan din ang lokal na pamahalaan sa mga opisyal ng barangay para sa kailangang breastfeeding and isolation area.
Maraming salamat sa ating QCHD medical team na binubuo nina District Health Officer Dr. Tina Lucila, Medical Doctor Dr. Czarina Riego, Dentist Dr. Ronel Condenuevo, at Analyn Valenzuela (CHW) sa paghahatid ng tulong para sa mga apektadong residente.
Bukod sa tulong ng QCHD, nakaalalay din sa mga nasunugan ang Quezon City Social Services and Development Department, District Office at QC DRRMO.




