Patuloy ang pag-agapay ng Quezon City Government sa 125 pamilyang biktima ng sunog sa Barangay Culiat.
Simula kahapon, inaalalayan ng mga social worker ng lungsod ang mga nasunugan, at binibigyan ng hot meals. Nabigyan na rin sila ng relief at material assistance na kailangan nila.
Nagsagawa na rin ng interview at onsite assessment ang Social Services Development Department sa mga biktima.
Nag-set up na ng partition tent ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office, habang nakaagapay naman ang QC Health Department sa mga residente na nangangailangan ng atensyong medikal.




