๐ข๐ป๐ฒ ๐บ๐ฎ๐ปโ๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ต ๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ผ๐๐ต๐ฒ๐ฟ ๐บ๐ฎ๐ปโ๐ ๐ฎ๐ฟ๐
QCitizens, halinaโt bisitahin ang art exhibit na pinamagatang โMga Kwento at Kwenta ng Basura: Art in the City Festival: An Upcycling Mixed-Media Art Contestโ kung saan tampok ang mga obrang gawa sa mga scrap material.
Ang โMga Kwento at Kwenta ng Basura: Art in the City Festivalโ ay bahagi ng pagdiriwang lungsod para sa National Arts Month.
Sa naganap na contest, bumida ang Team Commonwealth para sa kanilang obra maestra na pinamagatang โPiraso: Mosaic Style Artworkโ na siyang nakakuha ng first place.
Kasama rin sa mga nanalo ang โModern Paradiseโ ng The Cityโs Artist na pumasok sa second place at ang โSibol: A Blooming Growth and Renewalโ ng Villa Berde Food Forest Farm para sa third place.
Ang lahat ng mga likhang kasali ay masusing hinusgahan nina Mr. Edison Molanida ng NCCA, Mr. Leslie Araujo ng Lego Users Group, at Visual Artist Thomas Leonor.
Matutunghayan ang mga malikhaing gawa ng ating mga QCitizens sa 2nd Floor, Legislative Atrium, QC Hall hanggang Huwebes, February 29, 2024.




