Namahagi ang Quezon City Government ng financial assistance sa 135 pamilyang nasunugan sa Barangay Tatalon.
Personal na kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang kalagayan ng mga biktima at nangakong aagapay ang lokal na pamahalaan hanggang sa kanilang pagbangon mula sa trahedya.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng P10,000 tulong para sa mga house owner, habang P5,000 para sa mga renter o sharer.
Nauna nang magbahagi ang lungsod ng material assistance, at relief goods sa mga nasunugan.




