QCitizens, kilalanin ang iconic women ng Quezon City!
Pormal nang binuksan ng Quezon City Government ang Iconic Women photo exhibit sa Trinoma Activity Center.
Tampok sa exhibit ang mga larawan ng mga babaeng QCitizen mula sa iba-ibang sektor, na nagpunyagi, nagtagumpay, at nagsilbing inspirasyon sa kanilang kapwa.
Naroon din ang mga maliliit na negosyo na nagbebenta ng iba-ibang produkto mula sa mga damit, pagkain, at handcrafts. Mayroon ding booth para sa nga produktong gawa ng mga persons deprived of liberty mula sa QC Female Dormitory.
Handog naman ng QC Gender and Development (GAD) Council ang libreng consultation tungkol sa gender-based violence. Magsasagawa rin ang Women’s Business Council of the Philippines ng mga ‘Ted Talk’ tungkol sa iba-ibang paksa para sa mga kababaihan.
Nakiisa sa exhibit sina Majority Floor Leader Doray Delarmente, Coun. Ellie Juan, Chairperson ng Committe on Women, at Coun. Charm Ferrer.
Bukas ang exhibit at iba pang aktibidad sa Trinoma mula March 1 hanggang March 6.




