Tinalakay ni City Engineer Atty. Dale Perral sa katatapos lang na 46th Asian Civil Engineering Coordinating Council (ACECCC) Executive Committee Meeting ang mga plano ng lokal na pamahalaan para maiwasan na ang pagbaha sa lungsod.
Ibinahagi ni Atty. Perral ang mga hakbang na ginagawa ng lungsod upang makaiwas sa epekto ng pagbaha. Gayundin ang inaasahang resulta mula sa matamgumpay na pagpapatupad ng mga planong ito.
Layon ng isinagawang pulong na makapagbahagi ng kaalaman at maisulong ang long-term strategic planning para sa mga imprastraktura.
Pinangunahan ng Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) ang nasabing pulong na dinaluhan ng mga delegado mula sa iba-ibang civil engineering institutions sa mundo.




