Dalawamput apat na batang QCitizens ang sumailalim sa libreng reading tutorial ng Quezon City Public Library, sa ilalim ng kanilang Joy of Reading and Learning program.
Tinitiyak ng QCPL, katuwang ang volunteer tutors mula CIIT Philipines School – College of Arts and Technology, na magiging fun at exciting ang pagbabasa para sa mga bata.
Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang tutoring program, at kinumusta ang mga bata at mga volunteer.
Ang programa ay nagsimula noong Pebrero. Bawat bata ay sumasailalim sa anim na tutorial sessions na ginaganap tuwing Sabado. Para sa iba pang detalye tungkol sa programa, maaaring makipag-ugnayan sa Quezon City Public Library Facebook page.




