Ikaw at ako, tayo ang QC!
Pormal nang inilunsad ang Quezon City 85th Anniversary celebration kung saan tampok ang mga aktibidad mula sa iba-ibang city departments para sa buong taong pagdiriwang nito.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang official launch kasama si Vice Mayor Gian Sotto, city councilors at department heads ng pamahalaang lungsod.
Nakisaya at umindak ang mga kawani at opisyal ng QC dahil inilunsad din ang theme song na “Tayo ang QC” bilang bahagi ng anibersaryo.
Nag-kickoff na rin ang National Women’s Month celebration na may temang, “QC Kababaihan Festival: Babae, Tuloy ang Pag-unlad.”
Makisaya at suportahan ang ating mga kababaihan ngayong Women’s Month sa QC! Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa QC Gender and Development Council Facebook page (https://www.facebook.com/quezoncitygadcouncil).
Abangan ang iba pang programa para sa QC 85th Founding anniversary, i-like at i-follow ang official Quezon Government Facebook page (https://www.facebook.com/QCGov).




