Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa pamunuan ng Bantayog ng mga Bayani Foundation para sa pagsasaayos at pagde-develop nito.
Makikipagtulungan ang lungsod sa foundation para maisulong ang Bantayog bilang isa sa mga tourism destination at heritage sites sa QC. Aayusin din ng lokal na pamahalaan ang kanilang open spaces para maging parke at pasyalan ng mga mamamayan.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina Bantayog ng mga Bayani Executive Director Cristina V. Rodriguez, Bantayog ng mga Bayani Board of Trustees, Chief of Staff Rowena Macatao, at Arch. Gerard Lico.




