Ngayong #WomensMonth, nakiisa ang mga women overseas Filipino workers (OFW) mula sa Lungsod Quezon sa idinaos na Women’s Solidarity: Empathy in Action ng QC Public Employment Service Office (QC PESO) ngayong araw.
Layon ng programa na mapalawak pa ang kaalaman ng mga women leaders ng QC Organized OFW Family Circle Chapters patungkol sa pangangalaga sa kapakanan ng mga kabataan at karapatan ng mga kababaihan.
Bahagi ito ng programang QC Smart Child: e-Habilin ng PESO na umaalalay sa mga anak ng mga QCitizen migrant workers.
Tinuruan din sila ng mga guest speakers mula sa Commission on Human Rights na sina Atty. Krissi Rubin at Victoria Diaz patungkol sa Magna Carta of Women at ang mga batas sa special protection of children against abuse, exploitation, and discrimination.
Kasabay nito ang pledge of commitment ang mga nakiisang 85 women community parents na pinangunahan nina Councilor Ellie Juan kasama sina QC PESO Head Rogelio L. Reyes, Carlos Lagaya ng UGAT Foundation Inc., at Louise Gen Echual, Assistant Unit Manager ng Pru-like UK.




