Pormal nang nilagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Quezon City Government, Rotary International District 3680 – South Korea at Rotary International District 3780 – Philippines.
Layon nitong makapagbigay ng mas maraming proyektong pang-edukasyon at pang-kalusugan. Magkakaroon din ng programang ‘kimchi making’ upang makapagbigay ng hanapbuhay sa mga residente ng lungsod.
Lumagda rito sina Mayor Joy Belmonte, District 3680 Governor RY 2024-2025 Governor Dong Woo Choi, District 3680 Governor RY 2023-2024 Hee Jong Cheon, District 3780 Governor RY 2024-2025 Domilo Lucenario, at District 3780 Governor RY 2023-2024 Paul Angel Galang.




