Lights off for Mother Earth!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang lights-out ceremony para sa pagdiriwang ng Earth Hour sa Eastwood kagabi.
Ito ay bahagi ng pagsuporta at pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa pagtitipid ng kuryente at pagpatay ng ilaw at iba pang kagamitan kung ito ay hindi naman ginagamit, bilang tulong sa pagsagip sa ating kalikasan.
Dumalo rin dito sina Coun. Sami Neri, Coun. Vito Sotto Generoso, Coun. Wency Lagumbay, Megaworld Sustainability Council Head Jose Arnulfo Batac, Cluster General Manager of Eastwood City Malls and Mckinley Hill Tyrone Tan, at General Manager of Eastwood City Dennisse Malong.




