Bumisita sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte ang mga kinatawan ng 1302nd Ready Reserve Infantry Battalion – Reserve Command, Philippine Army upang ihayag ang kanilang suporta sa pamahalaang lungsod sa mga programa nito.
Ang 1302nd Ready Reserve Infantry Battalion na pinamumunuan ni Acting Battalion Commander Major Gerald Bechayda ay handang magbigay ng karagdagang manpower para sa maayos na pagdaos ng mga programa at aktibidad sa QC.
Kaisa rin sa courtesy call si Philippine Army reservist Ms. Pia Morato at Department of Public Order and Safety (DPOS) head Elmo San Diego.

