Bumisita sa Quezon City Hall si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Quezon City District Director Beltran Lacap Jr ngayong hapon.
Ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programa ng PDEA para matugunan ang problema sa droga, at matulungan ang rehabilitation ng mga mamamayan.



