QC GLOWS BLUE!
Nakikiisa ang Quezon City Government sa selebrasyon ng World Autism Awareness Day ngayong Abril 2, 2024.
Kasama ring nakiisa ni Mayor Joy Belmonte ang mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan na nagsuot ng kulay asul ngayong araw.
Pinailawan rin ng asul ang Executive Building kasabay ng Quezon Shrine (Pylon) na matatagpuan sa Quezon Memorial Circle.




