Napiling venue ang Amoranto Sports Arena sa Amoranto Sports Complex (ASC) sa isinagawang Motivated 3×3 Influencers Cup 2024 kagabi.
Layunin nito na mahikayat ang mga kabataan sa larangan ng sports at healthy lifestyle.
Noong nakaraang taon ay pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ang apat na modernong pasilidad sa ASC kabilang ang bagong arena.
Layon ng lungsod na i-ayon sa international standards ang mga sports facilities sa QC para sa mga kabataang atleta.




