Opisyal nang inilunsad ng Megaworld Corporation ang Goal Zero Waste Management Program na layong mapaigting ang waste management at sustainable practices sa Eastwood City.
Ibinahagi naman ni Mayor Joy Belmonte ang mga best practices ng lungsod ukol sa pagsulong ng circular economy upang mabawasan ang masamang epekto ng climate change.
Dagdag pa ng alkalde, buo ang suporta ng QC government sa mga inisyatibo ng pribadong sektor tungo sa pangangalaga sa kalikasan.
Katuwang sa launching ceremony sina Eastwood City Head of Estate Management Mr. Anton Calugay, Megaworld at Global-Estate Resorts, Inc. executives.
Nakiisa sa programa sina Coun. Vito Sotto-Generoso, Coun. Wency Lagumbay, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Ms. Andrea Villaroman, Business Permits and Licensing Department head Ms. Margie Santos, at District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro.




