Mabilis na nag-abot ng pinansyal na tulong ang Quezon City Government sa 21 pamilyang nasunugan sa Barangay Holy Spirit kaninang umaga (April 3, 2024).
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng financial aid sa mga biktima, kung saan P10,000 ang natanggap ng mga home owner, habang P5,000 naman sa mga renter at sharer.
Nauna rin na silang mabigyan ng food packs at material assistance mula sa Social Services Development Department.




