Personal na kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang isa sa mga benepisyaryo ng Kuha sa Tingi program mula sa Barangay Escopa III.
Hinikayat ni Mayor Joy ang iba pang QCitizen sari-sari store owners na maging bahagi ng programa. Sila ay magsisilbing kasangga ng lungsod upang mabawasan ang single-use plastic sa pamamagitan ng eco-friendly alternative at sustainable na refillable container.
Hinimok din ang QCitizens na tangkilikin ang mga produkto sa refill hubs na maaaring makita sa kanilang mga suking tindahan sa barangay.




