Nagpulong ang Quezon City Government at Department of Health (DOH) na pinangunahan mismo ni Secretary Teodoro Herbosa upang pag-usapan ang Pertussis o Whooping Cough Outbreak sa lungsod.
Tinalakay nila ang mga hakbang na maaaring pagtulungan ng Department of Health at lokal na pamahalaan upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng Pertussis sa QC.
Dinaluhan ang pulong ni Mayor Joy Belmonte kasama ang mga kinatawan ng lungsod. Kasama ni DOH Sec. Dr. Teodoro Herbosa si Usec. Eric Tayag at iba pang kawani ng DOH.




