Personal na binisita ni Mayor Joy Belmonte kasama si Jail Warden Supt. Glennford Valdepeñas ang bagong jail facility ng Quezon City sa Barangay Payatas.
Inuumpisahan na ang paglipat ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) dito upang maiwasan ang pagsisiksikan ng mga bilanggo sa QC Jail Male Dormitory, lalo na ngayong tag-init.
Pinakinggan din ng alkalde ang mga pangangailangan ng Bureau of Jail Management and Penology at mga PDL sa pasilidad.
Tulad sa QC Jail Female Dorm, nais ni Mayor Joy na magkaroon ng iba-ibang oportunidad tulad ng pag-aaral, trainings, at livelihood programs ang mga PDL.
Kasama rin sa pagbisita ng alkalde sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, at Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo.




