Dumating na ang karagdagang mga gamot na binili ng Quezon City Government na gagamitin para mapigilan ang pagkalat ng pertussis o whooping cough.
Kabilang sa mga ito ang mga antibiotics at ang 6-in-1 vaccine na gamot laban sa Pertussis, Diptheria, Tetanus, Hepatitis B, Poliomyelitis, at Haemophilus Influenza.
QCitizens, tandaan na maaaring maiwasan ang sakit na pertussis. Pabakunahan ang inyong mga anak sa pinakamalapit na health center.




