Mas papalakasin pa ng Quezon City Government ang mga health program at serbisyo para sa QCitizens, sa pakikipagtulungan sa Swiss Chamber of Commerce of the Philippines.
Sa pulong nina Mayor Joy Belmonte at team QC sa SwissCham, ipinahayag ng alkalde na prayoridad ng lokal na pamahalaan na palakasin at palawigin ang mga programa para sa pagtugon sa cancer.
Ibinahagi rin niya ang pagdi-digitize ng datos sa mga health center at ospital sa lungsod para mas maging maayos at unified ang record sa lahat ng healthcare institutions.
Ang QC at SwissCham ay magka-partner na sa pagtatatag ng Sophia Chatbot, isang Artificial Intelligence (AI)-assisted chatbot na idinisenyo para tulungan ang mga biktima ng violence against women and children.
Kabilang sa dumalo sa meeting sina Mr. Kent Marjun Primor ng Embassy of Switzerland at SwissCham, QC Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, Chief Healthcare Operations Officer Dr. Dave Vergara, Mr. Jong Sumpaico ng Local Economic and Investment Promotion Office (LEIPO), Mr. Azer Villola ng Office of the City Administrator, at mga kinatawan ng Roche Philippines, at Zuellig Pharma.




