QCitizens, ngayong araw, April 9, ay ating ipinagdiriwang ang ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.
Ngayong taon, ang selebrasyon ay may temang “Pagpaparangal sa Kagitingan ng mga Beterano: Saligan ng Nagkakaisang Pilipino”.
Alinsunod sa Proclamation 368, s. 2023, idineklarang Regular Holiday ang April 9, 2024 (Martes) bilang paggunita sa selebrasyon.
Halina at makiisa sa pag-alala sa kabayanihan ng mga Pilipinong nag-alay ng buhay upang ipaglaban ang kalayaan ng ating bansa.
Atin ding bigyang-pugay ang mga bagong bayani na nagpapamalas ng kagitingan sa kanilang larangan at patuloy na nagseserbisyo para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.
