Isang pagbati para sa ika-112 anibersaryo ng Land Transportation Office!
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa selebrasyon ng LTO kasabay ng pagpapasinaya ng kanilang exhibit tampok ang kasaysayan ng ahensya.
Pinangunahan ni Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang seremonya kasama ang iba pang opisyal ng LTO.
Bumisita rin si Mayor Joy sa Road Safety Interactive Center kung saan makikita ang iba-ibang learning activity na nagsusulong ng road safety.




