Ipinakita ng Ortigas Center Association Inc. (OCAI) sa pamahalaang lungsod ang kanilang Master Plan upang mas mapayabong pa ang kanilang business area.
Kabilang dito ang pagsusulong ng pagiging walkable at people-friendly, at sustainable nito. Plano rin ng OCAI na mailatag na ang information highway para maisaayos ang fiber optics sa Ortigas.
Present sa pulong sina Mayor Joy Belmonte, City Administrator Mike Alimurung, Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Santos, Local Economic Investment Promotions Office (LEIPO) Head Jay Gatmaitan, City Legal Department OIC Atty. Carlo Austria, at pamunuan ng OCAI sa pangunguna ng kanilang presidente na si Mr. Hilario Romil Acosta.




