QCitizens, tara na’t bisitahin ang “Wave of Change”, isang art installation sa QC Hall!
Ang Wave of Change ay isang 12-feet na art exhibit gawa sa libo-libong plastic straws at iba pang single-use plastics tulad ng plastic bag, plastic utensils, at containers na bawal ipagamit sa mga dine-in customers sa mga restaurant at fast food chains.
Mula sa dark o madilim na kulay sa gilid, unti-unting lumiliwanag ang exhibit papunta sa gitna, na sumisimbulo ng patuloy na pagpupursige ng QC tungo sa pagiging isang plastic-free city.
Makikita ang Wave of Change sa QC Hall High Rise Building lobby hanggang April 30.




