Mabilis na rumesponde ang Quezon City Health Department (QCHD) para bigyan ng tulong medikal ang mga residenteng apektado ng sunog sa Area 6A, Brgy. Sauyo kahapon, April 19.
Nabigyan ng agarang lunas, medical assistance, mental at psychosocial support ang mga biktima habang binigyang pansin naman ang nutritional status ng mga bata at buntis na apektado ng sunog.
Kasunod nito, personal na kinamusta ni Rep. Marivic Co-Pilar, Kap Noel F. Vitug at Admin Regie Dalisay ang kalagayan ng mga residente.
Maraming salamat sa ating QCHD medical team na binubuo nina Medical Officer III Dr. Jemellee Fetalvero-Ricafranca, Dr. Chally Deuna, Dentist Dr. Anamaria Eugenio Agbada, Nurse Novalyne Sanchez, Midwife Ms. Beth Lagco at mga Community Health Workers na sina Ms. Marife Castroverde , Ms. Julie Congayo at Ms. Analyn Seguritan Panes.




