Personal na binisita ni Mayor Joy Belmonte si Philippine National Police Chief General Rommel Marbil sa Camp Karingal ngayong araw.
Pinag-usapan nila ang solusyon sa mga krimen sa lungsod, katulad ng droga at pagnanakaw na nagaganap sa mga barangay.
Tinalakay din ang mga makabagong kagamitan at teknolohiya na maaaring gamitin para sa mas mabilis na pagresponde sa mga pangangailangan ng mga residente.
Kasama ni Mayor Joy si Department of Public Order and Safety (DPOS) Head Gen. Elmo San Diego (Ret).




