ATM: Maaga pa lang marami nang pumila sa Mega Job Fair ng Quezon City Government na pinangunahan ng QC Public Employment Service Office (QC PESO) katuwang ang Department of Labor and Employment o DOLE.
Aabot sa 100 kumpanya ang nag-aalok ng iba-ibang local at overseas employment opportunities.
Bukod sa iba-ibang job opportunities, may One-Stop-Shop din para sa mga government services gaya ng SSS, PAGIBIG, Philhealth, Philsys, NBI, at police clearance. Mayroon pang libreng resume at ID photo printing.
Tatagal hanggang 5:00 PM ngayong araw ang Mega Job Fair kaya maari pang pumunta sa Risen Garden, Quezon City Hall ang mga naghahanap ng trabaho.




