Hindi inalintana ng libo-libong QCitizens ang init ng panahon para masaksihan ang kauna-unahang Maginhawa Summer Fest 2024 kahapon.
Bumida ang mga masasarap na pagkain at iba pang produkto mula sa 65 merchants ng The Maginhawa Food Community (MFC).
Bukod sa food booths ay nagkaroon ng Zumba Session at Government Caravan hatid ang mga libreng serbisyo ng gobyerno.
Nagpamalas naman ng talento ang mga QCitizen sa ginanap na Maginhawa Dance Grove competition.
Kinagabihan ay naghatid ng mainit na performances ang mga artists kabilang sina Taylor Sheesh, Dionela, Magiliw Street, ACT, Vanessa Mendoza, Nicole Abuda, Lemlunay, at Skykie.
Nakisaya sa festival si Mayor Joy Belmonte kasama sina D4 Rep. Marvin Rillo, Assistant to the City Administrator Bebot Kimpo, Tourism Department OIC Tetta Tirona, QC Police District chief PBGen. Redrico Maranan, Action Officer Al Flores, MFC President Jules Guiang at mga punong barangay mula sa iba-ibang distrito.




