Ngayong #MayMeasurementMonth, ating isulong ang kahalagahan ng regular na pagmo-monitor ng blood pressure upang maiwasan ang mga dulot nitong sakit at komplikasyon.
Sa QC, may mga inilunsad na programa para maiwasan ng QCitizens ang hypertension tulad ng pagbibigay ng free maintenance medicine sa health centers, pagsusulong ng healthy lifestyle, at pagtitiyak na sa masusustansyang pagkain lamang napupunta ang pondo ng lungsod sa pamamagitan ng QC Healthy Public Food Procurement Policy at Calorie-labeling Ordinance.
Huwag nang mag-atubiling magpa-check up para sa ating sariling kapakanan at kalusugan ng pamilya.
