
Himigsikan sa Quezon City
May 9, 2024
Upang ipagdiwang ang ika-75 na anibersaryo ng pagkalipat ng Oblation sa Diliman mula sa Manila, ang Unibersidad ng Pilipinas ay nagdaraos ng Diliman Arts and Culture Festival 2024 mula Pebrero hanggang Hulyo 2024, na may temang “Pamamalagi at Pamamahagi”.
At bilang bahagi ng nasabing pagdiriwang, ang Unibersidad ng Pilipinas sa pakikipagtulungan sa Pamahalaan ng Lunsod Quezon ay magdaraos ng isang konsyerto na pinamagatang “Himigsikan sa Quezon City”.
Ang konsyerto ay gaganapin sa Risen Garden, Quezon City Hall, Mayo 9, 2024 (Huwebes) sa ganap na alas kwatro (4pm) ng hapon.
Halina’t sama sama nating tunghayan ang pagtatanghal ng mga mahuhusay na performing artists ng UP at QC!
Date: May 9, 2024
Time: 4 PM
Venue: Risen Garden, Quezon City Hall