Kampyon ang Quezon City sa pagsusulong ng edukasyon para sa mga kabataang QCitizen!
Pinarangalan ang Quezon City Government sa Gawad Edukampyon for Local Governance 2023 bilang isa sa limang pinakamahusay na lungsod (Highly Urbanized Cities Category) sa Pilipinas sa pagbuo ng epektibo at napapanahong programa para sa “Early Childhood Care and Development”. Partikular dito ang “Day Care Service Program Implementation”.
Panalo rin ng Gawad Edukampyon for Barangay Social Services ang Barangay Talipapa na pinamumunuan ni Barangay Chairman Atty. Eric Juan para sa proyektong “Mabuhay sa Basura ng Barangay”.
Congratulations po sa lahat ng naging bahagi ng mga parangal na ito!
