QC is a certified eco-friendly city!
Nakatanggap ng Compliant Badge ang ating lungsod mula sa Global Covenant of Mayors for Climate & Energy (GCoM) bilang pagkilala sa ating mga inisyatibo pagdating sa pangangalaga ng kalikasan.
Kabilang dito ang mga programa para mabawasan ang greenhouse gas (GHG) emissions, pagtugon sa nakapipinsalang epekto ng climate change, at pagkakaroon ng access sa clean and affordable energy.
Isa ang QC sa labing-isang (11) lungsod sa Southeast Asia na nakatanggap ng Compliant Badge na ito.
Ang GCoM ay isang international alliance na binubuo ng mga lungsod na naglalayong tugunan ang krisis sa klima.
