Nakipagpulong ang Quezon City Government sa mga barangay at business owners sa Maginhawa Street upang pag-usapan kung paano pa mas maitataguyod ang lugar sa mga QCitizen at turista.
Plano ng pamahalaang lungsod na maisaayos ang Maginhawa street, at matugunan ang ilan sa mga kinakaharap na suliranin nito tulad sa parking, traffic, at iba pang business at building regulation. Gagawa rin ang Quezon City Council ng ordinansa para masuportahan ito.
Dumalo sa public consultation sina Mayor Joy Belmonte, Coun. Irene Belmonte, Coun. Rannie Ludovica, mga department head, mga barangay na nakakasakop sa Maginhawa, at mga business owner sa lugar.




